...i'm not....

i'm supposed to be happy today...but i'm not....it's so simple yet too complicated to explain. i feel...dead...i just want to lie down and stay unmoving.

yeye forwarded something to the solidfoursix mailing list. it's nice...
"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang

panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito siguro yung mga chilhood days nyo....

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung

kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang

listahan

na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,

Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung

ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.

Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon

tuwing Sabado dahil panahon na para sa superher marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending

lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si

Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto

ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila

lumalaban sa final challenge na parang nakasakay

sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang

water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga

Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na

uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106"

hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,

Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,

Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,

Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong

nakakapagod.

6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at

namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup

na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at

nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO

kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na

naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na

puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)

Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at

kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang

"PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play

safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!"

na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.

(hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may

mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si

Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin

na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si

Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa

muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong

dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw

na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't

Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment

at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan

nagpapagandahan ng production numbers ang Monday

hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday

group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng

Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical

Depression, The Teeth, The Youth, After Image,

Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang

sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong

nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second

generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.

Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos

mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty

Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga

larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng

pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay

si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're

girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,

doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari .

ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung

meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may

walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil

masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan

sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga

tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a.

Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida

sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at

namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas

naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.

Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang

pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng

pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung

anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng

gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero

kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng

karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa

panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.

Di ba?"

i'm going now...bye...

>>>daal_24<<<

Comments

Anonymous said…
Great work!
[url=http://mxxcksxc.com/lgam/wxlz.html]My homepage[/url] | [url=http://tqjvqcwr.com/oovg/avzs.html]Cool site[/url]
Anonymous said…
Anonymous said…
Nice site!
http://mxxcksxc.com/lgam/wxlz.html | http://yhmfrlvh.com/hzzi/utjq.html

Popular posts from this blog

Model Potential

My New Schedule